Doon sa hindi pa nakakabayad kayo po ay may bahagi din ngunit hindi nmin mamadaliin. Sa mga nakabayad na ng moving up fee ito ay hindi na maiisauli maliban sa bahagi ng para sa venue dahil ang lahat ng kailangan para sa moving up ay amin ng naisaayos. Bibigyan po namin kayo ng schedule at isa isa lamang pupunta upang kuhanin ang award at certificate. Hindi po ito gagawin habang tayo ay sumasailalim pa sa enhanced community quarantine. Ito ay gagawin kapag ang sitwasyon ay maayos na. Gayunpaman, base po sa napagusapan ng ilang g**o at magulang kanina, ang ACKS ay gagawa ng isang simpleng programa sa pamamahagi ng certificate at pagkakaloob ng award sa bawat bata upang kahit paano ay kanilang maramdaman ang pagiging espesyal ng kanilang pagtatapos sa kindergarten. Un po ay dahil na din sa kondisyon ng ating kapaligiran kaya upang masig**o ang kaligtasan ng lahat kaya po minabuti na huwag ng magdaos nito. Batch 2019-2020 tayo po ay hindi magkakaroon ng Moving up rites base po sa mandato ng DepEd.
0 Comments
Leave a Reply. |
AuthorWrite something about yourself. No need to be fancy, just an overview. ArchivesCategories |